Tingnan – Hindi daw galing sa Philippine National Police (PNP) ang kumakalat sa social media tungkol sa urgent hiring diumano ng ahensya ngayong 2024 na nag-aalok ng P48,600 na buwanang sahod.
Ayon kasi sa magkakaibang post ng Facebook page na “Government PH,” na na-share na mahigit 1000 times, mababasa sa caption ang katagang “PNP URGENT HIRING.”
Ayon sa post, kabilang sa mga diumano’y kwalipikadong aplikante ang mga ng K-12 graduates, high school graduates, at college level na may 72 units subject na nakuha.
“The PNP did not release any announcement about the recruitment of PNP personnel.
For accurate information about job openings and hiring processes with the Philippine National Police (PNP), it is strongly advised to refer directly to the official PNP website or their verified social media accounts.
Always cross-verify any claims or posts about PNP job opportunities with these official sources to avoid falling victim to scams.
Makikita sa larawan na kalakip ng post ang ilan pang kwalipikasyon tulad ng taas na hindi bababa sa limang talampakan at pagkakaroon ng walang limitasyon sa edad.
Makikita din sa caption ng post ang link kung saan maaaring magparehistro ang mga interesadong aplikante. Kung pipundutin ang nasabing link, mapupunta ang user sa hindi otorisadong website ng PNP.
Hinihingi rito ang ilang mga personal na detalye ng aplikante tulad ng pangalan, email, at phone number. Sa isang post sa kanilang opisyal na Facebook account, itinanggi ng PNP na galing sa kanila ang kumakalat na maling impormasyon tungkol sa recruitment ng ahensiya.
“The PNP did not release any announcement with regards to the recruitment of PNP personnel,” ayon sa PNP. Ayon pa sa PNP, ang mga job opening at hiring process para sa pagkapulis ay maaaring makita sa kanilang opisyal na website at Facebook account na PNP Recruitment and Selection Service.
MGA PAMANTAYAN SA PAGKAPULIS Batay sa Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 9708 at ng Republic Act No. 11549, ilan sa mga pamantayan para maging unipormadong miyembro ng PNP ay ang mga sumusunod:
• Pagiging citizen ng Pilipinas
• Pagkakaroon ng moral na katangian
• Pagpapasa sa mga physical at mental test na isasagawa ng PNP
• Pagkakaroon ng bachelor’s degree
• Nasa edad 21 hanggang 30 na taong gulang sa oras na magsumite ng aplikasyon • Hindi bababa ng 5’2” o 157cm ang tangkad para sa mga lalaki at 5’0” o 152cm para sa mga babae
• Hindi hihigit o mas mababa sa limang kilo ang timbang mula sa karaniwang timbang na naaayon sa taas o kasarian ng aplikante Noong Hunyo 3, 2024, naglabas ang PNP ng anunsiyo tungkol sa mga dokumento na kinakailangang ihanda ng mga interesadong aplikante sa pinakamababang ranggo na patrolman o patrolwoman.
Ilan sa mga ito ang birth certificate mula sa Philippine Statistics Authority, diploma sa kolehiyo, at ang resulta ng alinman sa mga sumusunod;
- Civil Service Professional Examination,
- PNP Entrance Examination,
- Bar Examination, o
- Board Examination.
Ayon sa post ng PNP, ang patrolman o patrolwoman ay may basic pay lamang na P29,668.
Hindi pa tinutukoy ng PNP ang detalye ng pagsusumite ng mga nasabing dokumento.
Payo ng PNP, maging mapanuri at huwag basta-basta maniniwala sa mga post online. “..it is strongly advised to refer directly to the official PNP website or their verified social media accounts.
“Always cross-verify any claims or posts about PNP job opportunities with these official sources to avoid falling victim to scams,” paalala pa ng pamunuan ng PNP.
Ang mga maling impormasyon tungkol sa recruitment ng mga ahensiya ng gobyerno.
FACT CHECK: Peke ang posts tungkol sa recruitment ng Philippine Army
FACT CHECK: Peke ang post tungkol sa hirirng ng Philippine Coast Guard
Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email.
Writer: Admin